Rinoa Heartilly Hi good day!
Please click lantern photo below first then HIT HÈART Reaction to be counted your vote
photo entry No.3 (Parol)
#PAROLKOPUSUANMONGAYONGPASKO
#TatakPioneerian
#PioneerLab2016
https://m.facebook.com/PioneerLabPH/photos/a.1807551162854965 Read more ....1073741868.1603628779913872/1807552952854786/?type=3
Pioneer Lab PH
NOY-P (PAROL)
Entry # 3
Ang ikatlong parol ay representasyon ng pagiging malikhain ng mga sumusunod na departamento: HRU, Marketing, Quality Assurance, Accounting at Treasury. Ang bawat parol ay inaasahang magawa mula sa mga katutubo o recycled na m Read more ...ateryales pero para sa amin, ang mga kagamitang ito ay mayroong mas malalim na kahulugan.
Kawayan – Isa sa mga kahanga-hangang katangian ng kawayan ay kung paano ito nakakasabay sa pabago-bagong lakas ng hangin nang hindi napuputol. Ito rin ang isa sa mga katangian ng Pioneer Lab na dalawampu’t dalawang taon nang nilalampasan ang mga pagsubok nang may buong paninindigan.
Papel –Ang aming parol ay nagsimula sa pamamagitan ng pagbalot ng isang blankong papel upang maging matibay ang pundasyon nito. Ito ay maihahambing sa bawat isa sa atin na sya ring nagpapatatag ng isang samahan sa loob ng Pioneer Lab.
Kusot – Sa unang tingin ay maaring walang halaga ang isang pirasong kusot pero kung pagsasama-samahin ito ay makabubuo ng isang disenyo. Ito ay sumisimbolo sa pagtutulungan ng bawat empleyado. Ang indibidwal na kakayanan ng bawat isa ay makakalikha ng isang maayos na trabaho.
Mga kagamitang nagmula sa puno ng niyog – Ang puno ng niyog ay sinasabi na puno ng buhay sapagkat kapaki-pakinabang ang bawat bahagi nito. Alam natin na ang punong ito ay isang buhay na bagay na matatag sa anumang pagkakataon, sa malalakas na ulan, bagyo, baha, matinding hangin at iba pa. Nananatili pa rin nakatayo, Katulad ng Pioneer Lab na kahit na anumang pagsubok ang dumating ay nanatili pa ring matatag.
Ilaw –Maihahalintulad ito sa paggabay ng Diyos sa bawat isa sa atin na nagbibigay ng liwanag at nagsisilbing tanglaw sa ating buhay.
Ang parol ay bahagi ng tradisyon nating mga Pilipino sa pag-gunita ng Kapaskuhan. Sa kabuuan, ang hugis bilog ay walang simula at walang katapusan kagaya ng pagmamahal sa atin ng Poong Maykapal; at ang hugis tala ay syang nagsilbing gabay ng tatlong hari upang marating ang kinaroroonan ng bagong silang na si Hesukristo (Tagapag-ligtas ng Sangkatauhan) na siyang tunay na diwa ng Pasko.
Materyales:
• Bulaklak ng Niyog
• Saha ng Niyog
• Kawayan
• Kusot
• Scratch Paper
• Christmas Lights (Borrowed)
• Spray Paint
• Glue Stick
• Varnish
• Wood Glue
• Palm Tree seeds