Ang kapangyarihan ng wika wika ng kapangyarihan posts

Roldan SHUAOLEYM!
OHOL YAOHUSHUAHIM
Ang Apat na Mangangabayo ng Apocalipsis at ang mga Hatol ng Pitong Selyo, Pitong Shofar at Pitong Mangkok 1 Ang paghahayag ni YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, na ibinigay ni YAOHU UL sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga lingkod, Read more ... sa makatuwid ay ang...
13 days ago
Batingaw
TINTA AT PUNGLO
ni Bert Fabregas Learn from the past, analyze and manage the present, predict and conquer the future. Ito ay isang makabuluhang gabay upang maiangat natin ang kalagayan ng ating bansa at mapagtagumpayan ang anumang balakid na ating kinakaharap. D Read more ... apat na magkaroon tayo ng malalim na kaalaman sa kasaysayan ng ating lipunan na nagpasulpot sa mga kasalukuyang krisis at sigalot sa ating kapanahunan. Hinggil dito, minarapat kong ibahagi sa inyo ang isang makabuluhang artikulo na aking malayang isinalin sa wikang Pilipino noong 1992: THE VISION OF THE FUTURE MUST BE ROOTED FROM THE IMAGE OF OUR PAST ni F LANDA JOCANO Ang terminong sibilisasyon ay hindi bahagi ng kontemporaryong sistema nang pag-iisip ng mga Pilipino. Ang mga mananalaysay at manunulat ay hindi seryosong nagpahayag o hindi man ay itinuring ito bilang elemento ng tradisyong Pilipino noon pa man hanggang sa kasalukuyan. Marami ang naniniwala na bilang mga TAO ay wala tayong nagawa na karapatdapat sa tawag na sibilisasyon. Hindi tayo inilarawan bilang “achievers”. Ang pangkasaysayang consensus ay tagapagmana tayo ng tradisyon na hindi umunlad nang higit sa “gathering and hunting stage” ng buhay. Ang mga pag-unlad na nangyari sa lumang paraan natin ng pamumuhay ay iniukol sa sunud-sunod na na pagdagsa ng mga nandayuhan na dumating upang manirahan sa ating mga baybayin at panatilihin ang kanilang mga abanteng kultura sa ating lupain. Ang ating apprenticeship sa sibilisasyon ay nagsimula, sinabi sa atin,sa pagdating ng mga Kastila noong ika-16 na dantaon subalit hindi pa natin nahihigitan ang ganitong apprenticeship. Ang Pilipino ngayon ay tinitingnan pa rin bilang isang pangkasaysayang dekorasyon na walang pang-kulturang aydentidad na maaasahan at walang basehang pangkultura na matitindigan. Tama ba ang ganitong pananaw? At gaya nang patutotohanan sa sanaysay na ito, ang ganitong pananaw ay hindi wasto. Ang mga Pilipino ay nag-aangkin ng isang maringal na sibilisasyon sa nakalipas. Ang achievement na ito ay hindi naging bahagi ng kamalayang Pilipino kahit sa kasalukuyan dahil sa pagdating ng kolonisasyon, na kung saa nang sistematikong pagbaluktot ng ating pananaw tungkol sa ating mga sarili ay isinakatuparan. Sa katunayan, ang mga mananakop ay wala na ngunit ang lakas ng kanilang pagpilipit at pagbaluktot tungkol sa ating mga kakayahan bilang mga tao ay patuloy na nananatili, umiimpluwensya at humuhubog nang marami sa ating kasalukuyang iniisip tungkol sa ating mga sarili. Kaya kailangang muling tingnan kung paanong nangyari ang mga "distortions” na ito, muling tasahin ang mga estratehiya na kung saan ito ay naibenta sa atin, at ituwid ang mga kamalian sa pamamagitan nang paglalatag ng alternatibong katibayan at mga bagong pananaw. Kulturangpagkayanig mula sa mga tagahawak ng Kulog Sa kasaysayan, ang mga pagtatangka sa westernization ng Pilipinas ay nagsimula noong ika-16 na dantaon, ang yugto nang pagpapalawak ng merkantilistang taga-Europa sa Asya. Sa panahong ito, ang mga dakilang lakas ng kontinente ay nagsimulang magpalawak ng kanilang mararating sa lahat ng bahaging pandaigdig sa paghahanap ng mga bagong lupain at higit na kayamanan. Noong 1519, isang Portuguese na eksplorer at ang kanyang mga tripulante na naglilingkod sa hari ng Espanya, ang naglayag upang maghanap ng mga bagong rutang pangkalakal sa Silangan na kung saan ang mga rekado(spices) at iba pang produktong Asyano na mataas ang halaga sa Europa ay maaaring makuha. Sa mga “ventures” na ito ay hindi sinasadyang marating noong 1521 ang baybayin ng kapuluan na ngayon ay kilala bilangPilipinas. Ang aksidenteng ito’y hindi lamang naging tanda nang simula ng kolonyal na paghahari ng mga Kastila sa kapuluan kundi nang sistematikong pagkalantad din ng mga tao sa kulturang kanluranin. Sapagkat ang kasunod ng inisyal na “thrust”na ito ay ilan pang ekspedisyon ang ipinadala upang kunin ang arkipelago parasa korona ng Espanya at magtatag ng dominion ng Kastila sa Asya. Gayunpaman,noon lamang 1565, sa pagdating ni Miguel Lopez De Legaspi, nagawa ng mga Kastila na makapagtatag ng malakas na impluwensya sa kapuluan. Pagkatapos ng pagdating ng grupo ni Legaspi ay kaagad na naglunsad ang mga ito nang malawakang kampanyang pangrelihiyon at militar upang supilin ang mga lokal na armadong pagsalungat at wasakin nang marahas ang mga katutubong paniniwala at gawaing pangrelihiyon. Dinesenyo ang mga kampanyang militar upang mapilitan ang mga tao na tanggapin ang kapangyarihang pulitikal ng Espanya at ang mga misyonero, upang dahasin sila na yakapin ang Katoliko Romano bilang relihiyon. Upang gawing lehitimo ang ganitong hakbang, kasabay na itinuro sa mga tao na ang kultura nila ay primitibo at inperyur sa kanilang mananakop. Ang mga visual objects- mula sa mga kagamitang pandigma hanggang sa mga gusali ng pagsamba aysistematikong ipinakita sa kanila upang mapagmasdan. Ang mga lokal na practicesay inilarawan bilang mga gawain ng diyablo, kulumpon ng mga bisyo at tinukoy saibang termino na nagpapakahulugan sa kanilang di kanais-nais na gawi na naaangkop sa tao. Ang mga gawaing ito ay sadyang itinuloy upang hugutin ang mga tao mula sa kanilang nakalipas, siraan o pulaan ang kalagayan ng kanilang sistemang panlipunan at ipagkait sa kanila ang pag-asa sa kinabukasan sa pamamagitan nang paglumpo sa kanilang kamalayan ng dignidad at dangal nang higit sa kanilang kultural na tinataglay. Sa katotohanan ay mapapatunayan nang mabisa sa pagbabatay sa mga dokumentong magagamit, ay nagpapanukala na hindi tutoong ang lakas ng mga Kastila ang gumapi sa mga unang Pilipino. Kundi isang uri ng kulturang pagkayanig (culture shock)- isang hindi mapaglabanang sikolohikal na damdamin nang kakulangan at maling oryentasyon sa harap ng isang armado at malakas na grupo na pumaralisa sa kanila upang di makakilos bago pa man magsimula ang labanan. Ang panalong ito ay pinuntusan ng mga Kastila sa pamamagitan nang paggamit ng pampasabog (ie, baril, kanyon) na naghatid ng takot sa mga katutubo. Ang bagong armas ay“nagsa-Bathala” (deified) sa mga kapangyarihan ng mga supernatural beings na pinaniniwalaang may kontrol sa kulog at kidlat. Ang paniwalang ito ay laganap sa buong kapuluan at patuloy na naghahari kahit sa kasalukuyang panahon. Kaya nang ang mga tao’y nakaharap sa ganitong visible na pinagmumulan ng kapangyarihan na nauutusan ng mga bagong dating ayon sa kanilang nais, sila ay sindak na napasunod. Ang ganitong nagpalakas sa ganitong visual strategy ay ang pag-uugnay ng kabanalan at mistisismo ng krus na dinala ng mga Kastila kasama ng espada. Ang ating mga ninuno ay lubhang relihiyoso at nang sila ay pagsabihan na angsinumang may dala ng krus ay banal na tao at mga sugo ng Diyos sa lupa, ang mensahe ay agad na naunawaan. Gaya nang ang banta ng ekskomunikasyon ay sumisindak sa mga hari at emperador sa Europa noong middle ages, ganoon din ang banta ng pagsumpa ay tumunaw sa sa lumalabang diwa ng mga Pilipino sa pagiging eksaheradong takot sa mga dayuhan. Sa kawalan ng moral, sila’y naging bihag ng kanilang sariling pag-iisip at emosyon, sila ay gumuho psychologically sa harap ng katunggali na dapat ay madali nilang nagapi gaya ng nangyari kay Magellan sa Mactan. ANG PAGSALUNGAT NG ISLAM Makabuluhang dapat na tandaan na ang estratehiyang ito’y hindi umubra sa mga Pilipinong naging Muslim na sa pananampalataya bago dumating ang mga Kastila. Ang mga bagong sandata ay hindi nakaimpluwensya sa kanila sapagkat sila ay pamilyar na sa paggamit ng pampasabog at kaya nilang organisahin ang relihiyon upang palakasin ang kanilang institusyong pulitikal. Sa katunayan, sa mga pook na ang Kulturang Muslim ay matatag nang naitayo gaya sa Maynila,Mindanao at Sulu, ang mga Kastila ay dumanas nang malalaking pagkatalong militar. Maliban sa tatlong pook na ito, ang mga tao ay madaling natalo sa pamamagitan nang pagpapamalas lamang ng lakas ng mga sandata at ng bagong relihiyon. Sa kabuuan, ang kampanyang Kastila ay naging matagumpay at sa sumunod na mga taon, ang lakas ng kanilang pananakop ay nagbunga nang transpormasyong panlipunan at pangkultura. Idinikta nito ang pangangailangan ng mga katutubo na lumayo sa kanilang mga itinatanging paniniwala’t gawain at tanggapin yaong sa mga bagong dating. Ang panahon ng kolonisasyon ay lumaganap sa buong kapuluan.Ang sistemang pampulitika ng mga Kastila ay tinanggap bilang huwaran ng pambansa at lokal na pamahalaan at ang Katolisismo ay yinakap bilang pambansang relihiyon. Kaya, sa pamamagitan ng lakas at anyo ng pinong pamimilit, naiwaglit ng mga nanirahang katutubo ang kanilang tradisyunal na pamana sa unang kanluraning lakas. Sapagkat sa mga sumunod na taon, ipinarangal sa Espanya maging ng mga mananalaysay at manunulat na Pilipino ang pag-civilize sa mga INDIOS (unang tawag sa Pilipino) at pagpapayaman sa lokal na kultura sa kabila nang pagkaapi at kalupitang dinanas ng mga katutubo at ang sumunod na pagkawala ng kanilang kulturang pagkakakilanlan. Ang karanasan sa mga Kastila ay hindi ang naging katapusan nang pangkasaysayang kamalasan. Sa pagdating ng Ika- 20 siglo, ang mga Amerikano ay dumating” to liberate the Filipinos” mula sa mapang-aping kamay ng mga mapang-aping Kastila na kanilang kadigma. Subalit, dahil sa iba pang kadahilanan o iba pa, sila ay nagpasyang manatili upang gawin ang kapuluan na “show window of American democracy in Asia”. Ang mga kampanyang Amerikano para sa kolonisasyon ng mga Pilipino ay ginamit din at ang pandarahas ay isinakatuparan sa proseso ng pananakop. Ang maaaring pinagkaiba ng estratehiyang Amerikano mula sa mga Kastila ay ang paggamit ng mga Amerikano sa edukasyon. Ang mga Kastila ay gumamit ng relihiyon. Sa kadahilanang walang lokal na sistemang pang-edukasyon na maaaring gawing modelo, ang Amerikanong sistema ng pormal na edukasyon ang kinupkop at ang Wikang Ingles ang ipinakilala bilang wika sa pagtuturo. Minsan pa ay isang pino subalit mas sistematiko at masiglang kampanya para sa westernization ng mga tradisyong lokal ang naganap. NANG ANG PLANTING RICE IS NEVER FUN Sa pamamagitan ng ganitong edukasyon/ pagsasanay na paraan, ang mga kaisipang Amerikano, balyus at kaugalian ay ipinakilala bilang huwaran para sa kanais-nais, makabago at sibilisado. Ang mga karanasang Amerikano sa lahat ng aspeto ng buhay panlipunan mula sa pamahalaan o ekonomiya hanggang sa mga biyayang panlipunan ay binigyang diin, na kabaliktaran sa pagiging pesante nang buhay sa Pilipinas. Ang mga bata ay tinuruan halimbawa kahit ng mga American-trained na gurong Pilipino na ang “planting rice is never fun”, na ang kanilang “nipa hut is very small” at sila ay “poorly born on the top of the mountain”. Ang pang-edukasyong ulos ay nagbigay-diin sa pagdakila sa mga mananakop na Amerikano at paghamak sa mga Pilipinong nagtanggol sa kanilang bayan sa pamamagitan nang pagtawag sa kanila bilang mga insurektos. Hindi sila mga bayani bagkus ay mga kontrabida. May iba pang paraan nang pagbahagi ng mgabalyus ng Amerikano sa mga batang Pilipino. Ang katapatan ni George Washington na pumutol ng Cherry Tree at nagsabi sa kanyang Tatay tungkol dito, ang kabutihan ng palakaibigang si Santa Claus na namamahagi ng ng mga regalo sa mgawell-behaved na mga bata ay naging popular na mga kuwento na nagpasigla sa mga sandali sa silid-aralan. Sa kabila nito, ang katutubong huwaran para maunawaan kung bakit ang mga kabataang Pilipino ay kumikilos nang ganoon ay si Juan Tamad na hindi kapuri-puri ang mga virtues. Kung ang kaalaman tungkol sa mga bayaning Pilipino ay itinuturo man at kamalayan sa mga Filipino virtues, ang mga ito ay isinasagawa lamang “peripherally” sa sentrong diwa ng edukasyon. Ang mga pagtuturo sa araw-araw ay nagtatapos minsan sa pag-awit ng “I’m dreaming of aWhite Christmas” sa kabila nang nakakapasong init ng tropikal na araw. Sinadya man o hindi, ang ganitong paraan ay naglaan sa mga kabataang Pilipino nang punto ng paghahambing sa pagkakaiba, na kumiling sa pagdakila sa isang banyagang tradisyon at siraan ang kanilang sarili. Ang mga implikasyong panlipunan nang ganitong estratehiya ay malalim at may malayong saklaw. Hindi batid ng mga edukador na sila ay nakabalangkas nang pananaw na halos ay nagtagumpay na maihiwalay ang mga Tao sa kanilang mga kultural na ugat. Sapagkat sino ang magnanais na gumawa sa bukid kung ang planting rice is “never fun”? Ano ang dapat ipagmalaki sa “little nipa hut” kung ang mga dibuho sa mga aklat, ang kahanga-hangang bahay ng mga Amerikano ang bumibihag sa imahinasyon? Kahit ang little Red Hen and the Three Little Pigs ay inaanunsyong naninirahan sa bahay na bato sa isang sunod sa usong rural na bukiring Amerikano. Ang batang Pilipino ay nabuhay sa daigdig nang pagkakaibang ito. Sino ang makapagmamalaki sa pagiging poorly born on the top of the mountain kung saan ang ginagamit na aklat ng mga bata ay naglalaman ng mga tagpo sa uri ng pamumuhay sa lunsod ng mga Amerikano? Ano Ang Isang Pilipino? Hindi na mahalagang tambalan pa ang mga halimbawa. Ang puntong dapat ditong tandaan ay ang ganitong pinong ulos sa “psychic world” ng mga batang Pilipino ay luminang sa kalaunan ng isang unconscious na pag-ayaw sa sarili nilang kultura, isang pagkiling sa kulturang Amerikano. Ang ganitong uri ng transpormasyon ay nakabahagi ng halos lahat ng mga Pilipinong nasa hustong gulang na nakapag-aral nang pormal na edukasyon sa publiko at pribadong mga paaralan. Ang di-pagkasugpong sa pagitan nang kung ano ang natutunan sa paaralan at kung ano ang pinahahalagahan sa komunidad ay lalo pang pinaigting ng isang katumbas na agresibong media, kabilang ang mga pelikula, na nagpabaha sa mga lunsod,bayan at kanayunan ng mga ideya at balyus tungkol sa konseptong Amerikano ng“tama” o “sibilisadong” pamumuhay. Napakabisa nito na halos sa kalahating siglo ng kusang pamamatnubay ng tradisyong Amerikano hanggang sa kasalukuyan, ang karaniwang Pilipino ay dapat pang magsaliksik sa kanyang sariling pagkakakilanlan (identity) bilang isang katutubo sa kanyang lupang sinilangan. Sa katotohanan, may mga dahilan para mawalan ng pag-asa sa ilalim nang mga malagim na pangyayari ng kolonisasyon. Subalit kaalinsabay nito, kailangan nating mapagtanto na hindi natin masisisi ang mga mananakop sa maraming mga kakulangan natin sa kasalukuyan. Tayo rin ay may bahagi sa sarili nating mga pagkukulang sapagkat pagkatapos mawala ng mga  mananakop ay nanatili tayong nag-iisip gaya nang itinuro sa atin at hangarin ang paraan nang kanilang pamumuhay. Ang ating mga iskolar ay hindi man lang humamon sa hatol ng kolonyal na impluwensiyadong mga pangkasaysayang isinulat at sinaliksik. Sa pagtalakay sa isyung ito, hindi tayo nagpapanukala ng isang chauvinistic idea (isang labis na katapatan at paniniwala sa pagiging superyur ng isang mithiin) ng pangkasaysayang katalisikan(scholarship). Sa halip, tayo ay naglalatag ng isang paghamon: dapat ba nating ituring ang Pamanang Pilipino(Filipino Heritage) bilang isang bahagi ng ibang kultura o dapat ba nating tanawin ito bilang isang pag-unlad na pinahahalagahan nang mahusay sa konteksto ng sarili nitong achievements at pagtugon sa mga lokal na kondisyon? Sapagkat,kung pag-aaralan lamang ang mga karanasan ng ating mga ninuno bago ang pag-ugnay ng kanluran, malinaw na mas marami silang natamo (achieved) sa sibilisasyon kaysa sa iniukol na credit sa kanila ng mga iskolar. Ang ganitong mga nakaraang achievements ay hindi man lang itinuro sa mga kabataan bilang bahagi ng ating national legacy at ang kapabayaang ito ay naging sanhi nang higit na kawalan natin ng kaalaman tungkol sa ating pambansang pamana. Kaya ang tanong na “ Ano ang Pilipino” ay patuloy na itinatanong bilang bahagi ng malawak na pag-usisa sa kalikasan ng sibilisasyong Pilipino. ANG SIBILISASYONG PILIPINO MULA 500,000 B.C. Kung nakamit ng mga Pilipino ang isang elaborate civilization bago ang pakikipag-ugnay sa Kanluran, ano ang ebidensiya na sususog sa ganitong pag-angkin? Ang mga iskolar sa buong mundo ay pansamantalang nagkasundo sa labing-isang (11) pangunahing taluntunan (index) ng cultural achievement bilang kriterya upang klasipikahin ang mga lipunan sa pagiging “sibilisado” at“di-sibilisado”…Kaya, pansamantala nating gagamitin ang mga kriteryang ito upang mailagay ang ating mga accomplishments sa mas malawak na perspektiba… Ang mga pamantayang ito ay: 1) epektibong teknolohiya; 2) malalaking sentro ng populasyon; 3) agham o siyensya; 4) sining; 5) pag-iral ng kalakalang panlabas; 6) sistema ng pagsulat o alpabeto; 7) relihiyon; 8) monumentong pang-madla; 9) sistema ng pamahalaan, 10) batas, at 11) pakikidigma EPEKTIBONG TEKNOLOHIYA Kung isasaalang-alang ang yugto ng panahon nang pag-unlad nito, ang tradisyong teknolohikal sa kapuluan ay sapat na pinapatibayan ng arkeyolohikal na mga materyales na nakalap mula sa buong bansa. Sa katotohanan, ang ating stone tool technology ay magmula pa noong 500,000 taon bago isinilang si KRISTO. Nagsimula ito sa paggawa nang magagaspang na kagamitang bato at progresibong nalinang bilang isang sopistikadong industriya noong 4000 BC, may makintab na kagamitan at makulay na palamuti bilang mga produkto. Ang mga materyal na ginamit ay mula sa mga bato, shells, hanggang sa putik. Ang industriya ng ceramics gayundin naman ay umunlad sa panahong ito. Ang sining sa paggawa ng tela ay isinulong,gaya nang pinatunayan sa pagkatuklas ng mga bark-eaters sa maraming archaeological sites. Ang unang bakal na ginamit ay tanso, sumunod ay ginto, bronze at hanggang sa iron. Ang mga butil at pulseras na gawa sa salamin ay ginawa bilang pangkalakal. Nagkasundo ang mga iskolar na ang glass-making, bilang bahagi ng technological achievement ng ating mga ninuno, ay napaunlad noong metal age. MALALAKING SENTRO NG POPULASYON Bago dumating ang mga Kastila ay mayroon nang malalaking mga villages sa kahabaan ng mga susing sentro ng kalakalan sa buong kapuluan. Ang Maynila ay pinananahanan nang mahigit sa 20,000 tao. Ang mga sentro ng kalakalan ay pinaliligiran ng mga tulos na bakod bilang pananggalang mula sa mga kaaway. Ang Cebu, Panay, Leyte at Mindoro ay masinsin ding pinananahanan. Ang mga komunidad sa paligid ng Lawa ng Laguna ay malalaki rin at nakikipagkalakal sa mga banyagang mangangalakal gaya nang mga Arabo at Intsik. Noong ika-16 na siglo,ang Pasig ay may 2000 inhabitants, ang Pila ay may 1,600 na mga tao, ang Morong ay may mahigit sa 2,000 populasyon. Sa isang salita, kung ang sentro ng populasyon ay isa sa mga criteria para sa sibilisasyon, tiyak na ang pamantayang ito ay natugunan sapagkat ang tinatawag na civilized centers sa Gitnang Silangan ay makapagmamalaki lamang nang magkatulad na population densities. AGHAM o SIYENSYA Ang pinakamasiglang prehistoric accomplishments ay nanggaling sa larangan ng predictive sciences. Ang katanungang madalas na itinatanong ay: napaunlad ba lamang nila ang isang set ng mga traditional practices at isang katawan ng superstitious beliefs? Ang sagot : sa katunayan, napaunlad nila ang isang sistema ng siyentipikong pamamaraan nang pagdadala ng mga suliranin. Halimbawa,ang pag-transform sa isang piraso ng putik sa isang matibay na lalagyan upang imbakan ng tubig at lutuan ng pagkain ay nangangailangan ng prinsipyo ng inorganic chemistry. Ito ay predictive sapagkat kung ang pagpapaapoy ay bumaba sa kinakailangang temperatura, ang lalagyan ay magkakabitak at kapag lumabis naman ang init, ang sisidlan ay magiging malutong at mawawalan nang silbi. Ang pag-aaral nang firing techniques batay sa mga lokal na ceramics na nahukay mula sa iba’t-ibang archaeological sites sa buong bansa ay nagpapamalas nang kaisahan sa firing techniques… Sa organic chemistry, ang ating mga ninuno ay gumamit din nang katulad na prinsipyo nang may kalkuladong kamalayan. Ito ay pinatutunayan ngayon nang presensya ng mga mummies na preserbado sa mga kuweba ng Central Cordillera mountain range sa hilagang Luzon. Kahit ang mga tattoo sa balat ay preserbado.Isang katiyakan, upang makapag-imbak ng bangkay sa anyo ng isang mummy na lumalabag sa elemento nang pagkabulok ng kalikasan ay nangangailangan nang maunlad at epektibong chemistry. Kahit na ang lihim nang pag-embalsamo at mummifying ay hindi tumagal sa panahon at ang mga lumang pormula ay nawala, ang katunayan nang accomplishment ay gumuhit sa kasanayan ng ating mga ninuno sa larangan ng chemistry. Ilang mga iskolar ang nangatwiran na ang mga Egyptian Mummies ay well-preserved dahil sa mataas na humidity at tuyong klima sa pook at dahil sa pagkakalibing ng mga mummies sa loob ng mga matitibay na libingan ng pyramid. Kung ang mga salik na ito ay mahalaga sa pag-preserba ng mga mummies ng Ehipto, ang ating mga ninuno kung gayun ay nahigitan ang mga Egyptians sapagkat iniimbak nila ang kanilang mga patay sa ilalim nang marahas na kundisyong pangkapaligiran- mababang humidity, walang tigil na pag-ulan at ang kawalan ng puntod na magsiselyo sa kanilang mga patay laban sa mga elementong ito. Malinaw na sila ay nakapagpaunlad nang mas mataas na chemistry o kasanayan noon sa kabila ng katotohanang ang ating mga local mummies ay inilagak lamang sa mga bitak o puwang ng mga kuweba, lumabas na preserbadong buo pa rin ang mga ito. Ang dentistry ay makinis na napaunlad noong ika-14 na dantaon. Nakalap mula saiba’t-ibang bahagi ng bansa ang mga bungo na may perpektong dentures na nagpapamalas nang maayos na gawang gintong fillings. Karamihan sa mga nahukay na ngipin sa mga prehistoric sites ay nagpapamalas nang katibayan ng pagpapasta at pangangalaga o paggamot. Kung ang dentistry ay tumutukoy sa pangangalaga ng ngipin o dentures, ang dentistry kung gayun bilang bahagi ng scientific medicine ay matagal nang isinasagawa ng ating mga ninuno. Ang pinakamadulaing accomplishment ng ating mga ninuno ay sa agham ng metallurgy. Ang metal ay natuklasan bilang epektibong materyal para sa paggawana ng kagamitan noon pang 500 BC. Upang pundihin (smelt) ang metal mula sa ore at tanggalin ang mga impurities sa proseso, ay malinaw na nangangailangan ng mastery of technique na higit sa trial and error approach. Sa katotohanan,upang i-transform ang malleable metal sa pagiging isang epektibong kagamitan ay nagtatakda muna ng mga sumusunod: 1. Pagtuklas ng blow-pipes upang makontrol ang init para sa smelting. 2. Sa paghulma ng bakal ay kasali ang kaalaman nang pagsasama ng carbon sa metal upang tumigas ang materyal. Ito ay tinatawag na carburization sa makabagong metallurgy. Kapag hindi ito isinagawa, ang metal ay mananatiling malambot at nahuhubog. Ang pagkasamsam sa mga kagamitang bakal ay nagpapamalas na ang mga unang Pilpino ay nasanay at kumilala sa ganitong Gawain. 3. Upang makagawa ng mga epektibong kagamitan, ang mga martilyo at kauring kasangkapan nito ay dinisenyo rin at niyari upang makayanan ang mga abok(cinders and slags). 4. Ang technique na quenching (paglalagay nang mainit na metal sa tubig) ay dapat na makasanayan upang mapanatili ang crystalline structure nang mainit na metal. Kung wala nito, ang produkto ay lulutong at mababalewala. 5. Ang tempering (pagpapainit at pagpapalamig kaagad sa bakal upang maabot ang tamang degree ng tigas) ay dapat na may natutunang kasanayan upang ang hinahangad na tigas ng metal na produkto ay mapanatili. Ang lahat ng mga predictive techniques na ito ay natamo gaya nang pinatutunayanng mga artifacts na nakalap sa maraming pook. KALAKALANG PANLABAS Bago dumating ang mga taga-Kanluran, ang ating mga ninuno ay abala na rin sa pakikipagkalakalan sa mga banyaga. Ang mga mangangalakal mula sa ibang dakong Asya gaya ng India at Gitnang Silangan ay dumating upang makipagkalakal sa mga lokal na negosyante. Sumunod ang mga katutubong mangangalakal sa maritime trade routes ng mga banyagang ito. Ito ay humanggan sa pagpapalakas ng mga pampulong ugnayan at kalakalan. Ang pinakamaningning na yugto ng foreign trade sa sinaunang Pilipinas ay sa mga Intsik, partikular na sa kalagitnaan ng ika-9 at ika-15 dantaon. Ito ay pinatutunayan nang napakalaking natinggal na mga porselanang ceramics na nakuha sa buong bansa. Dumating ang iba pang mangangalakal mula sa Siam (Thailand), Cambodia at Vietnam… SINING Maunlad na ang Sining noong una pa mang panahon. Ang mga petrogliphs o linyang guhit ay natuklasan ng mga archaeologists ng National Museum sa mga batong kanlungan ng Angono (Rizal) na nagkakaedad ng 4,000 taon. Ang mga nililok na bagay ay nakuha sa mga libingan kung saan ang mga ito ay ginawang pananda sa puntod ng mga namayapa. Ang highlight ng prehistoric Filipino Art ay kinakatawan ng ceramics. Ang isang klasikong halimbawa ay ang Manunggul Cave Burial Jar. Ang banga ay may mga masasalimuot na mga disenyo, nakukulayan ng pula sa pamamagitan ng hematite. Sa ibabaw ng takip ay may simbolikong representasyon ng dalawang nilalang na gumagaod sa bangka sa isang ilog na kumakatawan sa lupain ng mga buhay patungo sa lupain ng mga patay. Ang pook na pinaglibingan ay may carbon-14 na edad na noon pang 890 BC. Maka-sining na ginawa at may kumplikadong disenyo na mga ritwal na sisidlan, ang nakalap mula sa mga libingan na tinatayang noon pang 1,500 BC hanggang 500 BC. Kung ang Sining ay isang criteria sa sibilisasyon, ang ating mga ninuno kung gayun ay nagkaroon ng accomplishments na higit pa sa nai-credit natin sa kanila. Kahit na sa mga palamuti, ang mga gold ornaments na natagpuan dito ay sopistikadong ginawa at di mapapasubaliang isinuot nang mabikas at elegante. ( Kung mayroong Great Wall of China, Taj Mahal, Angkor Wat at Borobodur ang ibang bansa, anong istruktura ang Pilipinas na maipagmamalaki natin sa buong mundo?) DOKUMENTONG PANGMADLA Ang mga kritiko sa pananaw na mayroon tayong prehistoric civilization ay idinidiin ang katotohanan na tayo’y hindi nagtataglay ng mga megalitikong istruktura na magpapatibay sa mga ganoong accomplishments. Ito ay tutuo, hindi tayo nagtayo ng Pyramid, Great Wall, Taj Mahal, Angkor Wat, Borobodur at iba pa. Walang pangangailangan sa ganitong mga istruktura. Sa halip, ang ating mga ninuno ay nagtayo ng hagdang palayan--- isang kahanga-hangang nagawa sa larangan ng engineering- pagkat ito ay bahagi ng kanilang estratehiya upang mabuhay. Sabihin man na habang ang mga megalitikong istruktura ay maaaring bumalot sa imahinasyon, maaari rin nilang palamlamin ang diwa pagkat kadalasan, ang mga ito ay produkto nang paghihirap ng tao. Ang mga ito ay buhay na simbolo nang kalupitan ng tao sa kanyang kapwa. Daan-daang alipin at libu-libo ang namatay upang maitayo lamang ang mga istrukturang ito. Sa ibang salita, ang mga monumento sa pangkalahatan ay tagapag-paalala nang pagpapasya ng tao na makapagkaloob ng dignidad sa sangkatauhan at kung gayun ang pagsasaalang-alang dito bilang pangunahing criteria ng accomplishments ay isang maling desisyon Ang ating Rice Terraces ay makakatindig bilang accomplishments sa megalitikong istruktura. Subalit ang mga ito ay hindi ginawa para sa pagsasakripisyo ng tao, ang mga ito ay itinayo for human survival. Kung ganoon,sa usapin ng higher virtues, ang ating mga ninuno ay sensitibo na sa mas pundamental at universal na pamantayan ng sibilisasyon.--ang paghahangad sa mga layuning panlipunan para mabuhay ang mga tao. Ang kakulangan sa espasyo ay pipigil sa atin sa paglalarawan nang detalyado sa mga accomplishments ng ating mga ninuno. Gayunman, maaaring sabihin na kung ang sibilisasyon ay bibigyang kahulugan bilang kaayusang panlipunan na nagtataguyod nang kultural na paglikha, ang ating mga ninuno ay naka-accomplish nang higit pa. Ang mga mananalaysay ay nagkaisa sa kanilang tala na ang ating mga ninuno sa pagdating ng mga Kastila ay mayroon nang kumplikadong sistemang legal. May batas na sila sa pampubliko at pribadong pag-aari, mana, kasal, obligasyon,crime against property, at sa maraming dako ng personal at institusyonal na pagkilos o gawi. Mayroon silang pamahalaan sa anyo ng Barangay, sistema nang pagsusulat at alpabeto sa anyo ng Alibata at natamo ang napakataas na literacy rate. Mas complex ang kanilang relihiyon kaysa sa mga mananakop. Ang kanilang kultural na paglikha ay nag-uugat sa licha, sa dekorasyon ng ceramics, sa disenyong arkitektyural ng mga bahay at sa pagta-tattoo. Walang nasa checklist ng ibang sibilisasyon ang hindi tinataglay, hinangad o natamo ng ating mga ninuno, maaaring higit pa! Ang lahat ng mga kilalang criteria para sa sibilisasyon ay nakamtan at walang dahilan kung gayun, na pagkaitan ang ating mga sarili nang karangalan bilang sibilisado bago dumating ang mga taga-Kanluran. MULING PAGBIHAG SA ATING TADHANA Hanggang hindi natin kinikilala ang ganitong mga accomplishments at gawin itong mga bahagi nang kamalayang Pilipino, hinding-hindi tayo makakabawi sa ating kaisipang kolonyal at ang Pilipino ay mananatiling naghahanap sa kahulugan ng kanyang tadhana…Kailangan nating makabawi mula sa ating” Cultural AmnesIa “. Ang ganitong kawalan ng aydentidad sa ating pambansang pamana ang responsible sa karamihan nang kawalan natin nang kakayahan upang makamit ang KADAKILAAN. 1. Ipinagkait natin sa ating mga sarili ang mandate to greatness nang tinanggap natin ang isang pangkasaysayang alegasyon na ang ating kultura ay isang hiram at unang ibinigay sa atin ng mga sinasabing immigrating pre-historic people at sa kalaunan ay nang mga panginoong kolonyal. 2. Itinanggi natin sa ating mga sarili ang karapatan sa kadakilaan nang ipinagkait natin sa ating sarili ang isa sa ating kontribusyon sa mga Henyo ng sangkatauhan sa pamamagitan nang pagtawag kay RIZAL bilang pride of the Malays sa halip na pride of the Filipinos at hayaang tanggapin ito ng mundo. 3. Isinuko natin ang karapatang tumindig bilang kapantay ng ibang lahi nang tanggapin natin ang isang kasaysayan na nagtatala ng ating mga pagkatalo sa halip na pagkapanalo. 4. Pinaguho natin ang ating hangarin sa kadakilaan nang patuloy tayong nanangan sa ating mga kahinaan sa halip na sa ating lakas at mga achievements sa sibilisasyon. 5. Nabigo tayong matamo ang kadakilaan sapagkat lagi nating tinitingnan ang ating sarili sa negatibo sa halip na sa positibong paraan. Sa ganitong konteksto, kaya dapat tayong maghanap ng mga bagong daan ng pagbabago sa ating mga sarili. Ang ating pananaw sa hinaharap ay nakaugat sa larawan ng ating nakalipas, sa ating pananaw sa kasalukuyan at sa ating pride of ourselves… Sapagkat itong kamalayang ito sa ating achievements ang makakasukat sa ating mga kakayahan bilang mga tao at tiyakin ang pundasyon ng ating mga kontemporaryong institusyon upang tayo ay makatindig nang higit sa iba…Sa paggawa nito, tatlong mapagpipilian ang bukas sa atin: 1. Panatilihin ang status quo at hayaan ang karanasang kolonyal na humubog sa ating pananaw dahil sa ito ay patuloy na nagkakahugis sa kasalukuyan. 2. Makipagbuno sa suliranin nang pambansang aydentidad sa termino ng mga huwarang nabalangkas mula sa western experience. 3. Isulat ang “script” ng ating sariling destiny at maging pangunahing taga-ganap sa halip na maging kiming tagamasid sa entablado ng pambansang pag-unlad at pagtatayo ng bansa. ( Ang ikatlong option ang dapat nating piliin upang tayong mga Pilipino, bilang isang lahi ay maging panginoon ng pagbabago at hindi na lamang manatiling biktima ng pagbabago.) For any comments/ Suggestions plstext 09215895388       “Ang batayan nang ating pagkamakabayan ay ang pagkiling sa interes ng PILIPINO!”     “Ang batayan nang ating pagkamakabayan ay ang pagkiling sa interes ng PILIPINO!”
15 days ago
Lucman Original Pastor dw
Which Book Is Free From Error Qur'an Or Bible? Bible;Marcos 16:17-18 Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tandang kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; Sila’y hindi ma Read more ... aano dumampot man ng ahas o uminom ng lason.
1 month ago
Joorsneal paki like and read :) at commnt na din :)
UNEXPECTED LOVER Written by: Leenmer
UNEXPECTED LOVER Written by: Leenmer CHAPTER 15:
2 months ago
Wêndy
xs
WALANG SUGAT(Ni Severino Reyes)Unang BahagiI TAGPO(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)Koro : Ang karayom kung iduro ang daliri’y natitibo, kapag namali ng duro burda nama’y lumiliko.Julia : Anong dikit, anong inam ng Read more ... panyong binuburdahan, tatlong letrang nag-agapay na kay Tenyong na pangalan.Koro : Ang karayom kung itirik tumitimo hanggang dibdib.Julia : Piyesta niya’y kung sumipot panyong ito’y iaabot, kalakip ang puso’t loob, ng kaniyang tunay na lingkod. Si Tenyong ay mabibighani sa dikit ng pagkagawa mga kulay na sutla, asul, puti at pula. Panyo’y dito ka sa dibdib, sabihin sa aking ibig na ako’y nagpapahatid isang matunog na halik Koro : Ang karayom kung iduro ang daliri’y natitibo. Hoy tingnan ninyo si Julia pati panyo’y sinisinta, kapag panyo ng ibig tinatapos na pilit nang huwag daw mapulaan ng binatang pagbibigyan: ang panyo pa’y sasamahan ng mainam na pagmamahal.At ang magandang pag-ibig kapag namugad sa dibdib nalilimutan ang sakit tuwa ang gumigiit.Mga irog natin naman sila’y pawang paghandugan mga panyong mainam iburda ang kanilang pangalan.Julia : Piyesta niya’y kung sumipot panyong ito’y iaabot kalakip ang puso’t loob ng kaniyang tunay na lingkod.Koro : Nang huwag daw mapulaan ng binatang pagbibigyan ang panyo pa’y sasamahan ng mainam na pagmamahal.SalitainJulia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. (Papasok ang magsisikanta.) (Lalabas si Tenyong).II TAGPO(Tenyong at Julia…)SalitainTenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya…Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang?…ay…Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.Tenyong: Masakit sa iyo!Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (Sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!Tenyong: Ay!Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin!Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F, ay Frayle.Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis maraming butil at nang nag-aalab na magsasalita.)Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay ….sinungaling ako…mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).Musika No. 2Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.Tenyong: Salamat, salamat, Juling poon ko.Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.Tenyong: Asahan mo.Sabay : Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) di na maalaalang may kabilang buhay…. (Lalabas si Juana).III TAGPO(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas) SalitainJuana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong) (Lalabas si Lukas)Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!Tenyong: Napaano ka, Lukas?Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.Tenyong: Diyatat dinakip si Tatang?Lukas : Opo.Tenyong: Saan kaya dinala?Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.\Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka…(Magsisipasok sina Juana, Julia, Magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutungunan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas!(Telong Maikli)KalyeIV TAGPO(Musika)Koro at LukasLukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin. Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.Isang Babae: Naubos na ang lalaki.Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae na kami.Lukas : Marami pang lalaki.Lahat ng Lalaki: Huwag kayong malumbay…kami’y nasasa bahay at nahahandang tunay, laan sa lahat ng bagay….Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.Isang Babae: Asawa’y paroroonan.Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.Lahat : Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.Mga Babae: Tayo, tayo na.Lahat : Sumakay sa tren.Mga Lalaki: Doon sa estasyon.Lahat : Ating hihintin. (Papasok lahat)(Itataas ang telong maikli)V TAGPO(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas.)(Ang mga prayle at si Marcelong Alkalde.)SalitainRelihiyoso 1.0.: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao ito…Marcelo : Mason po yata, among?Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.Relihiyoso 2.0.: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi sila makakain eh!Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha.Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po sa isang araw.Relihiyoso 2.0: Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).Marcelo: Salamat po, among!Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?Marcelo: Walo po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.Relihiyoso 1.0: Bakit ganoon? (gulat).Marcelo: Dahil po, ay si Kapitang Innggo ay pinagsaulan ng hininga.Relihiyoso 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?Marcelo: Opo, Among (Sa mga kasama niya) Compañeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?Relihiyoso 2, 3, 4: Si, si, hemos traido.Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.Marcelo: Hindi po makalakad, eh!Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.Relihiyoso 2.0: Tonto.Tadeo: Bakit ka mumurahin?Juana: Kumusta po naman kayo, among?P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting suweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay ay hindi na dinadapit; ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.Juana: Totoo po ang sabi mo.P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.Juana: Bakit dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga?P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.Miguel: Ay! Aling Julia…ay..ma…ma…malapit na po….Julia: Alin po ang malapit na?Miguel: Ang…ang…ang…Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa)Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko!Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?Miguel: Sinabi ko pong malapit na….Tadeo: Malapit na ang alin?Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata….Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw).VI TAGPO(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.) SalitainRelihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…Putin: Salamat po, among.Relihiyosa 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.Putin: Opo, among, mano na nga po…. Salamat po, among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki.)Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar. (Papasok ang mga pare.)VII TAGPO(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso.)SalitainPutin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?Tenyong: Inang, ang mga kamay pong….namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili). Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan! (Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.)Putin: Inggo ko!Tenyong: Tatang!Julia: Kaawa-awa naman!Tenyong: Mahabaging Langit!MusikaTenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.SalitainTenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…Inggo: Huwag na….anak ko….hindi na maaari…luray luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pabayaan ang inang mo! Putin, ay Putin…Juana-Julia…kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila….Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…”)Musika No. 2Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.Julia: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.(Mga babae’t lalaki)Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay amang ng mga taong hunghan…..Ang awa’y nilimot sa kalupitan….Lalaki’t babae: Wari mukha nang bangkay….Salitain: Tenyong: Inang, masdan mo po….at masama ang lagay ni tatang,,,Inang, tingnan mo’t naghihingalo….Tatang, tatang….Putin: Inggo ko..Inggo…Tenyong: Patay na!(Mangagsisihagulgol ng iyak)(Telong MaiklVIII TAGPO(Sila ring lahat , wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos.) Salitain.Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipintpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay).Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat)IX TAGPO(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia.) Salitain.Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.Isa: Ako’y mayroong iniingatan.Isa pa: Ako ma’y mayroon din.Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.Isa: Nalalaman mo bang sila’y mangagsisilulan?Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy nasasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.Isa: Mga tampalasan.Isa pa: Walang patawad! (Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia)Julia: Tenyong, Tenyong!Tenyong: Julia!Julia: Diyata’t matitiis, na ina’y lisanin mo sa kahapishapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?Julia: Oo nga, Tenyong, nguni’t hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang gargantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. /Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.Tenyong: Sa Diyos nananalig.Julia: Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.Julia: Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!Julia: Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.Tenyong: Juling aking sinta!Julia: Oh, Tenyong ng buhay!Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.)Julia: (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (Papasok)X TAGPO(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)Sa loob.Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko-Perdon! Walang utang na di pinagbayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren.)(Telon)Wakas ng Unang BahagiIkalawang BahagiI TAGPO(Bahay ni Julia)(Julia at Juana)SalitainJuana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!Juana: Bakit ba ganiyan ang sagot mo?Julia: Wala po!Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hahangarin mo?Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay….Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga – anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking nangingibig , ay tinatatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat and lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t ngayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon , ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na… Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo!Juana: Siyang tunay!Julia: Ako po’y hindi makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka nang iba.Julia: Wala po!Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na! (Papasok)Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!II TAGPO(Julia at Monica)SalitainJulia: Monicaaaaaaaaaa, MonicaaaaaaaaaaMonica: (Sa loob) Pooo!Julia: Halika-Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya;madali ka…..Monica: Opo (Papasok)III TAGPO(Julia-mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)MusikaDalit ni JuliaOh, Tenyong niyaring dibdib, diyata' ako’y iyong natiisna hindi mo na sinilipsa ganitong pagkahapis.Ay! Magdumali ka’t daluhan,tubusin sa kapanganiban,huwag mo akong bayaangmapasa ibang kandungan.Halika, Tenyong, halika,at baka di na abutinsi Julia’y humihinga pa…papanaw, walang pagsala!At kung patay na abutinitong iyong nalimutanang bangkay ay dalhin na lamangsa malapit na libingan.Huling samo, oh! Tenyong,kung iyo nang maibaonsa malungkot na pantiyon,dalawin minsan man isang taon.Salitain P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t na pakalumbay lamang…Julia: (Gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po.P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo?Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa….Marunong kang pumili, Miguel.Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among.P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?Juana: Mabuti po among.Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.Miguel: Baka po ako murahin ah!May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana:”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.Ikatlong BahagiSinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel aybuong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila ni Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat.Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat. Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.Reyes is one of the children of Andrea Rivera and Rufino Reyes. He was born in Sta. Cruz, Manila. He studied at the Colegio de San Juan de Letran. He started writing plays when he stopped studying at the University of Santo Tomas after the death of his father. He translated Spanish-language plays into the Tagalog language, until he was able to create his own original works. Reyes is one of the followers of plays performed at the Teatro Zorrilla, where he witnessed both the period of popularity and then the abandonment of the said theater house. Severino Reyes (February 11, 1861 – September 15, 1942) was a Filipinowriter, playwright, and director of plays. He used the pen name Lola Basyang.[1][2] He was nicknamed "Don Binoy". Reyes is known as the "Father of Tagalog Plays" and as the "Father of the Tagalog Zarzuela".[3]
2 months ago
Pentecostal This was the recap of Ptr Dave's message last Sunday 07-06-14. God bless everyone. -adm. DANIEL: A MAN OF CONSISTENCY Daniel 6:1-28 "Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpa Read more ... salamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian." (Daniel 6:10 MBB05) Introduction: We live in a noncommittal world, where the ability to persevere through difficulty is a rare character trait. If a job is difficult or boring, it’s all too common for people to think, Why not quit and find another one? When a marriage becomes stressful and unhappy, it’s easier to give up or start over with a new mate. In fact, many couples live together without a marital commitment-NAGSASAMANG HINDI KASAL. Sadly, this lack of consistency is evident even among believers. At the first sign of conflict or disagreement, some Christians hop to another church instead of remaining loyal to one local body of believers and working through their difficulties. And in our personal spiritual walks, many of us struggle to maintain a consistent quiet time with the Lord. Exhaustion or the demands of the day cause us to let that time slide as we pursue the things of this world. This sermon outline deals with the timely subject of consistency. The person of interest is Daniel, the Old Testament prophet. When studying his life you find that he was consistent in everything he did. May all of us learn from his godly example! There are three things I want us to consider about the subject of consistency! Ano ang meron sa character ni Daniel ang pwede nating tularan? ---DANIEL: A MAN OF CONSISTENCY BECAUSE, I. HE WAS CONSISTENTLY LIVING A RIGHTEOUS LIFE v. 4 "Kaya, ang dalawang kasama niyang tagapamahala at ang mga pinuno ng mga rehiyon ay humanap ng maibibintang kay Daniel upang huwag matuloy ang magandang balak ng hari para sa kanya. Ngunit wala silang makitang dahilan sapagkat laging matapat si Daniel sa kanyang tungkulin." (Daniel 6:4 MBB05) ---DANIEL: A MAN OF CONSISTENCY BECAUSE, II. HE WAS CONSISTENTLY LIVING A DEVOTED LIFE. v.10 "Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian." (Daniel 6:10 MBB05) ----DANIEL: A MAN OF CONSISTENCY BECAUSE, III. HE WAS CONSISTENTLY LIVING A LIFE THAT MAKES AN IMPACT. v. 25-28 "Pagkatapos, sinulatan ni Haring Dario ang lahat ng tao sa bawat bansa at wika sa buong daigdig. Isinasaad sa sulat: “Sumainyo ang kapayapaan! Iniuutos ko sa lahat ng aking mga nasasakupan na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang Diyos na buháy, at mananatili magpakailanman. Hindi mawawasak ang kanyang kaharian, at mananatili habang panahon ang kanyang kapangyarihan. Siya ay sumasaklolo at nagliligtas; gumagawa siya ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.” At naging matagumpay si Daniel sa panahon ni Haring Dario at sa panahon ni Haring Ciro ng Persia." (Daniel 6:25-28 MBB05) The world is desperately in need of an individual that will model their Christian living consistently! Would you like to be one? Conclusion: To The Christian: • Can you characterize your life as consistent? • Prayer Time? • Bible Time? • Giving? • Witnessing? • Godly Attitude? • Walk?
2 months ago
Batang
KATIBAYAN NG PAGKAPROPETA NI MUHAMMAD SAW)part2)
ANG IBA SA MGA KATIBAYAN NG PAGKA PROPETA NI MUHAMMAD(SAKAP)PART 2. Ang mga reperensiya ng mga hula kay propeta Muhammad (sakap) mula sa qur`an at sa Sunnah : 1-Ang dakilang Allah ay nag sabi : ((ماكان محمد أبا أحد من رجالكم Read more ... ولكن رسول الله وخاتم النبيين وكان الله بكل شيئ عليما)). Si Muhammad Ay hindi Ama ng sinoman sa inyong mga kalalakihan,ngunit siya ang sugo ng Allah At huli sa(kawing)ng propeta.At Ang Allah ang Lagi ng lubos na maalam sa bawat bagay . surah Al ahzab 40 . Sinabi ni propeta Muhammad(sakap) : ( ان مثلى ومثل الأنبياء من قبلى ، كمثل رجل بنى بيتا فأحسنه وأجمله الا موضع لبنة من زاوية ، فجعل الناس يطوفون به ، ويعجبون له ويقولون هلا وضعت هذه اللبنة ، قال: فأنا اللبنة وأنا خاتم النبيين ) رواه البخارى . Ang aking halimbawa At ang halimbawa ng mga propetang nauna sa Akin ay tulad ng isng taong Nagtayo ng isang bahay , na kanyang itinayo at binuo Maliban sa isang puwang ng isang tipak ng bato, ang mga Tao ay nagsisilibot at nag papatingin ng may pagtataka sa Kabuuan nito,at nag sasabing : sana ay na buo O ganap Ang Puwang na ito, Ang propeta ay nag sabi: ako ang pamuno O pangganap Sa puwang ng tipak na bato na iyon, at ako ang huli sa Kawing ng mga propeta . 2- Bagupaman Dumating si propeta Muhammad(sakap) Ay ipinahayag na ni Allah sa lahat ng naunang mga Propeta Ang kanyang pag dating, at si Allah ay kumuha ng kasunduan mula sa kanila na sila ay maniwala sa kanyang pag dating , sinabi ng Dakilang Allah: واذأخذ الله ميثاق النبيين لما آتيتكم من كتاب وحكمة ثم جاءكم رسول مصدق لما معكم)) لتؤمنن به ولتنصرنه قال ءأقررتم وأخذ تم على ذ لكم إصرى قالوا أقررنا قال فاشهدوا وأنا معكم من الشاهدين At gunitain ng kunin ng Allah Ang kasunduan ng mga propeta na nagsabi :Tanggapin ninyo ang anuman na Aking ibinigay sa inyo kabilang sa Aklat , at pagkaraan ay Mayroong darating sa inyo na isang sugo (si Muhammad) Na mag papatotoo kung AnoAng nasa inyo, nararapat na Kayo ay maniwala sa kanya at tulungan siya,si Allah ay nag wika : kayo ba ay sumang ayon ditto?at inyo bang kunin ang aking kasunduan?ang mga propeta ay nag sabi: Kmi ay sumang ayon, si Allah ay nag wika : kung gayon kayo ay nag patotoo na Ako ay inyong kasama na sumaksi para rito. 3- sa panahon ni propeta Abraham siya ay nanalangin kay Allah na magpadala ng sugo mula sa bansa ng Makkah at ito ay natupad sa pamamagitan ni propeta Muhammad (Sakap). Sinabi ng Dakilang Allah: قال الله تعالى ((ربنا وابعث فيهم رسولا منهم يتلوا عليهم ءاياتك ويعلمهم الكتاب والحكمة ويزكيهم، انك أنت العزيز الحكيم))البقرة 129. O Aming panginoon isugo ninyo sa kanila ang isang sugo na tagapagbalita mula sa kanila na magpahayag sa kanila ng iyong mga talata Katibayan,at mag tuturo sa kanila ng kasulatan( Ang qur`an at hadis)At mag padalisay sa kanila sa pag bibigay ng katambal saiyo at sa masamang kaugalian, katotohanang kayo lamang ang may ganap na kapangyarihan at karunungan. 4. Si propeta Muhammad ay ibinalita ni propeta (Eesa) Hesus na anak ni( mar`yam) maria sa kanyang kapanahonan na may susunod sa kanya na isang sugo na tatawagin sa kanyang pangalan na si Ahmad, ito ay kabilang sa mga pangalan ni propeta Muhammad, ang ibig sabihin ay siya na mapag puri kay Allah ng higitpa sa iba. Sinabi ng dakilang Alla: قال الله تعالى ((واذقال عيسى ابن مريم يابنى اسرائيل اني رسول الله اليكم مصدقا لما بين يدي من التوراة ومبشرا برسول يأتى من بعدى اسمه أحمد فلما جاءهم بالبينات قالوا هذا سحر مبين)).الصف 6. At Alalahanin nang si (Eesa) hesus Ang anak ni (maryam) maria ay nag sabi:oangkan ng Israel Ako ay isang sugo ni Allah na ipinadala sa inyo,na nag papatotoo sa tawrah (mga batas, ang Aklat ni Moesis)na ipinadala sa inyo nang una pa sa akin,At nag bibigay sa inyo ng masayang balita ng isang sugo na susunud sa akin, Ang pangalang itatawag sa kanya ay Ahmad, datapwa`t ng si propeta Muhammad ay dumating sa kanila na may maliwanag na katibayan,sila ay nag sipagsabi ito Ay isang maliwanag na salamangka. 5- Binanggit ni Allah si propeta Muhammad(sakap)at ang kanyang mga katangian duon sa mga naonang kasulatan sinabi ng dakilang Allah : ((الذين يتبعون الرسول النبي الأمي الذي يجدونه مكتوبا عندهم في التوراة والأنجيل، يأمرهم بالمعروف وينهاهم عن المنكر ويحل لهم الطيبات ويحرم عليهم الخبائث ويضع عنهم اصرهم والأغلال التى كانت عليهم))الأعراف 157 . ((Sila na sumusunud sa sugo (simuhammad)Ang propeta na hindi nakakabasa At hindi nakakasulat na kamatatagpuan nilang na nasusulat sa tawrah(torah mga batas)At sa inggeel (ibanghelyo)siya Ay nagtatagubilin sa kanila ng pagsampalataya sa kaisahan ni Allah At pagsunud sa lahat ng kanyang ipinagotos,At magbabawal sakanila ng kawalan ng pananampalataya pagsamba sa diyus diyosan At paggawa ng lahat ng masama na ipinagbabawal sa islam. 6- Ipinahayag ni Allah na ang mga Angkan ng kasulatan Ay kilala nila si propeta Muhammad(sakap)Dahil sa pagka banggit sa kanyang mga katangian sa kanilang Kasulatan. Sinabi ng Dakilang Allah : (( الذين آتيناهم الكتاب يعرفونه كما يعرفون أبناءهم وان فريقا منهم ليكتمون الحق وهم يعلمون)). Sila na Aming pinagkalooban ng kasulatan (mga hudyo at kristiyano)Ay na kakakilala sa kanya(kay Muhammad)na katulad ng pagka kilala nila sa kanilang Anak na lalaki, katotohanang may pangkat sa lipon nila na naglilingid ng katotohanan,bagamat ito ay kanilang na babati. Ngunit ng dumating si propeta Muhammad(sakap) sa mga Angkan ng kasulatan na may dalang Aklat Ang banal na Qur`an sila Ay tumangging sumunud Sa kanya,si nabi ng dakilang Allah: ((ولما جاءهم كتاب من عند الله مصدق لما معهم وكانوا من قبل يستفتحون على الذين كفروا فلما جاءهم ماعرفوا كفروا به , فلعنة الله على الكافرين )). البقرة 89 . At ng dumatal sa mga hudyo ang isang Aklat ang qur`an mula kay Allah na nagpapatotoo kung Ano ang nasa kanila(tawrah at ingeel )bagama`t noong ona ay na nanawagan sila kay Allah na tolungan sila sa pamamagitan ng pagdatal ni Muhammad,upang sila ay magkamit ng tagumpay laban sa mga walang pananampalataya, At ng dumatal na sakanila si Muhammad na kanilang nakilala na hindi mapagkaila sa pamamagitan ng kanyang mga katangian na nababanggit sa tawrah,sila ay tumanggi na manalig sa kanya kaya`t hayaang ang sumpa ni Allah ay mapataw sa mga walang pananampalataya.
3 months ago
Victoria My heart will not let me do it! My love for you is too strong. 9 I will not punish you in my anger; I will not destroy Israel again. For I AM GOD and NOT A MERE HUMAN BEING. I, THE HOLY ONE, AM WITH YOU. I will not come to you in anger. Hosea 11:9
Timeline Photos
BAKIT NAG KUKUMPISAL ANG MGA KATOLIKO? By: Kuya a
3 months ago
Jcmar Share share din pag may time...
Timeline Photos
BAKIT NAG KUKUMPISAL ANG MGA KATOLIKO? By: Kuya a
3 months ago
Bagwis Please share.
Ipagsabi Ang Kaniyang Pagliligtas
Paano ang mga hindi narating ng Iglesia ni Cristo? Ang Katarungan Ng Diyos Sa Araw ng Paghuhukom, ang mga taong inabot ng pangangaral ng ebanghelyo ay hahatulan sa pamamagitan ng ebanghelyo. Ni ALBERTO P. GONZALES _________________________________ Read more ... ________ Maraming itinatanong ang mga nakarinig sa pagtuturong ang pag-anib sa Iglesia ni Cristo ang kaparaanan ni Cristo upang iligtas ang tao sa parusa pagdating ng Araw ng Paghuhukom. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: - Paano maliligtas ang nasa mga bansa at mga bayang hindi pa naaabot o nararating ng pangangaral ng Iglesia ni Cristo lalo na ang nabuhay at namatay noong wala pa ito? - Hindi ba maliligtas ang mababait at matutulunging tao na hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo? - Hindi ba mangangahulugang may pagtatangi ang Diyos kung ang mga kaanib lamang sa Iglesia ni Cristo ang malilitas? Sa pamamagitan ng mga katotohanang nakasulat sa Biblia ay sasagutin natin ang mga tanong na ito. Paano maliligtas ang hindi narating o naabot ng Iglesia ni Cristo? “Sapagka't ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan.” (Roma 2:12) Ang nagkasala ng walang kautusan ay mapapahamak ng walang kautusan. Kaya, hahatulan din ang mga taong hindi inabot ng kautusan o ng salita ng Diyos dahil sila ay nagkasala rin. Ano ang gagamiting batayan ng paghatol sa kanila? “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili; “Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa).” (Roma 2:14-15) Ang hindi inabot o hindi narating ng pangangaral ng ebanghelyo ay hahatulan sa pamamagitan ng kautusang nasusulat sa kanilang puso. Ano ang katunayang may mga kautusang nasusulat sa kanilang puso? Pinatotohanan ito ng kanilang budhi. Kaya kahit hindi sila narating ng pangangaral ng mga salita ng Diyos ay alam nila ang mabuti at masama. Ano ang katunayan nito? Alam sa lahat halos ng bansa at kultura na masama ang pumatay ng kapuwa tao at ang magnakaw. Bakit tiyak na hahatulan ng Diyos ang taong hinahatulan o inuusig ng kaniyang budhi? Ganito ang itinuro ni Apostol Juan: “Sapagka't kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.” (I Juan 3:20) Kung ang isang tao ay hinahatulan mismo ng kaniyang puso dahil sa kasalanan niyang nagawa, lalong hahatulan siya ng Diyos na nakaaalam ng lahat ng bagay. Ang Diyos din ang hahatol sa mga hindi inabot o hindi nakarinig ng aral tungkol sa Iglesia ni Cristo. Subalit ang mga taong nakarinig o inabot ng pangangaral na ito at nalamang kailangan ang Iglesia ni Cristo sa kaligtasan ay nananagot na tuparin ang ipinagagawa ng Diyos (I Cor. 5:12-13), New Pilipino Version). Ang saligan ng pagliligtas sa tao ay hindi ang kuru-kuro ng tao kundi ang katuwiran ng Diyos. Ang naghahayag nito ay ang ebanghelyo: “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego. “Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” (Roma 1:16-17) Sa Araw ng paghuhukom, ang mga taong inabot ng pangangaral ng ebanghelyo ay hahatulan sa pamamagitan ng ebanghelyo: “Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo.” (Roma 2:16) Ano ang tiyak na pasiya ng Diyos sa lahat ng inabot ng Ebanghelyo subalit hindi sumunod dito? “Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: “Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.” (II Tes. 1:8-9) Parurusahan ang lahat ng inabot ng ebanghelyo ngunit hindi sumunod dito, kahit pa naglingkod sila sa Diyos at nilakipan pa ito ng mga pagmamalasakit na hindi naaayon sa katuwiran ng Diyos: “Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. “Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.” (Roma 10:2-3) Kung gayon, makatarungang hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao. Ang hindi kailanman nakaalam na may Iglesia ni Cristo ay hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusang nasusulat sa kanilang puso. Samantala, para sa mga taong inabot ng pangangaral ng ebanghelyo ay ebanghelyo ang gagamiting batayan sa paghatol sa kanila. Ang nakarinig ng ebanghelyo na hindi sumunod dito ay tiyak na parurusahan. Paano ang mababait at matutulunging hindi Iglesia ni Cristo? Kailangan ang pagiging mabait, matulungin, at mapagmalasakit, ngunit ang mga ito ay hindi saligan sa ikaliligtas ng tao, kundi ang batas o katuwiran ng Diyos na nasa ebanghelyo: “Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.” (I Cor. 1:19) Napatunayan na sa pangyayari noong panahon ng mga apostol na bagaman mahalaga ang mabubuting gawa ay hindi naman ito ang batayan sa kaligtasan. Ganito ang tala ng Biblia: “ At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano. “Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios. “Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio. “At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios. “At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro.” (Gawa 10:1-5) Pansinin na si Cornelio ay may mabubuting katangian; siya at maging ang kaniyang buong sambahayan ay masipag sa kabanalan at matatakutin sa Diyos tulad din ng maraming tao ngayon. Naglilimos siya sa mga tao at mapanalanginin pa. Subalit bakit hindi sinabi ng anghel ng Diyos kay Cornelio na “sapat na ang iyong mga panalangin at mga paglilimos upang tanggapin ka ng Diyos”? Bakit inutusan pa siyang ipatawag si Apostol Pedro? Ano pa ang kulang kay Cornelio gayong taglay niya ang maaraming katangian upang siya ay makapasok sa kaharian ng langit? “Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat. “Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon.” (Gawa 10:32-33) Si Apostol Pedro ay isa sa mga sugo ng Diyos. Nasa kaniya ang mga katotohanang kailangang marinig, sampalatayanan, at sundin ni Cornelio. Sa sinugo pinaugnay si Cornelio upang matanggap niya ang tunay na aral at tanggapin siya ng Diyos. Ang katunayang tinanggap na ng Diyos si Cornelio ay noong bumaba ang Espiritu Santo sa kanila: “Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita. “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, “Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? “At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.” (Gawa 10:44, 46-48) Samakatuwid, kailangang maugnay muna ang tao at maaralan ng sugo ng Diyos bago siya tanggapin ng Diyos. Ang sugo ang may tanging karapatan na mangaral ng ebanghelyo upang maunawaan ng tao ang katuwiran ng Diyos sa pagliligtas (Roma 10:15). Wala bang pagtatangi ang Diyos? “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao.” (Gawa 10:34) Hindi kailanman nagtatangi ang Diyos. Kung gayon, bakit may maliligtas at may mapapahamak? Ang lahat ng tao ay nagkasala, at dahil dito, ang lahat ay nahatulang mamatay (Roma 5:12; 6:23) at maparusahan sa dagat-dagatang apoy sa Araw ng panghuhukom (Apoc. 20:14; II Ped. 3:7, 10). Dahil dito, ang Diyos ay nagtakda ng wastong paraan ng pagliligtas. Ang paraang ito ang siyang dapat sundin ng sinumang ibig maligtas. May tuntunin ang Diyos sa wastong paraan ng pagkilala at pag-ibig na dapat gawin ng tao: “At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos.” (I Juan 2:3) Napakahalaga ng pagsunod sa utos ng Diyos. Ang taong ayaw pasakop sa tuntuning ito, kahit nagsasabing siya’y kumikilala sa Diyos, ay sinungaling at ang katotohanan ay wala sa kaniya: “Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.” (I Juan 2:4) Ang pagtalima sa utos ng Diyos ang siyang kahayagan ng pag-ibig sa Kaniya: “Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.” (I Juan 5:3) Ang isa sa mga utos ng Diyos na dapat tuparin ng tao ay yaong ipinahayag ng Panginoong Jesus: “Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.” (Juan 10:9, Revised English Bible, isinalin mula sa Ingles) Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo: “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Gawa 20:28, Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles) Ang lahat ay inaanyayahan ng ating Panginoong Jesucristo. Kaya, walang itinatanging tao. Ngunit may tiyak na ipinagagawa sa ibig maligtas—pumasok sa kawan sa pamamagitan ni Cristo o umanib sa Iglesia ni Cristo. Kung hindi susundin ng tao ang ipinagagawa sa kaniya ng Tagapaligtas ay wala na siyang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili kung hindi siya maligtas: “ Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.” (Juan 15:22)@@@@@ Pasugo God’s Message, August 2000, pp. 24-25, 28. ________________________________________ Para sa karagdagang katanungan hinggil sa mga pangunahing aral o Doktrinang sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo, maaari po kayong magtungo sa mga pinakamalapit na kapilya o dako ng gawain upang doon ay makausap ninyo ang aming mga Ministro o mga manggagawa. Inaanyayahan din po namin kayo na daluhan ang aming mga pagsamba at mga pamamahayag upang lubos ninyong maunawaan ang mga aral o Doktrina sa loob ng Iglesia ni Cristo na pawang nakasulat sa mga Banal na Kasulatan. Also Like the Official Fan pages of Iglesia ni Cristo: https://www.facebook.com/INCOfficial https://www.facebook.com/KabayankoKapatidko https://www.facebook.com/INCTV https://www.facebook.com/INCRadio Official Websites of Iglesia ni Cristo www.incmedia.org www.kabayankokapatidko.org www.eaglenews.ph
4 months ago
More ang kapangyarihan ng wika wika ng kapangyarihan posts »

Ang kapangyarihan ng wika wika ng kapangyarihan news

No news about ang kapangyarihan ng wika wika ng kapangyarihan

Ang kapangyarihan ng wika wika ng kapangyarihan videos

No videos about ang kapangyarihan ng wika wika ng kapangyarihan