Kwento ng paglisan sa china ni maningning miclat posts

Maricris ni Maningning Miclat (1) Isinulat ko ang una kong tula “Isn’t It?” noong high school. Labing-isang taong gulang ako noon. Nakakatuwa iyon, ang saya ko. Nakasulat sa malayang taludturan, nakilala ko na mayroon pala akong indayog. Nang mabasa n Read more ... g mga kaibigan ko, sinabi nila na walang katuturang tula daw iyon at tinawag ko nga na tula ng kawalang katuturan. (2) Katawa-tawa ang panahong kinalakhan ng henerasyon ko sa Tsina. Hindi naapektuhan ng Rebolusyong Pangkultura ang tadhana namin. Wala noong consumerismo na tutukso sa aming mga hangarin, ni hahamon na paninindigan namin sa Sosyalismo. Dapat kaming maging Spartan. Dapat makakuha kami ng mataas na grade para makapasok sa magandang eskuwela. (3) Alam naming lahat na ang mga senior student sa eskuwela namin na nakatira sa dorm ay lumalabas sa kalsada kapag oras nang patayin ang mga ilaw para makapagaral sa ilalim ng poste. Marami kang hahangaan doon. May isa akong kaklase na makapagrerecite nang paabante at paatras sa buong nobelang Water Margin. Marunong magkaligrapiya at magpiano ang isa kong pinakamatalik na kaibigan sa klase, kaya kung maglalakad siya at maramdamang hindi tama ang lakad niya, babalik siya sa pinanggalingan sa paniniwalang “practice makes perfect”. (4) Pagkatapos ng klase, magkasama kaming maglalakad papuntang bus stop; at ang tagal-tagal naming makarating sa bus. Paulit-ulit naming iwinawasiwas pataas ang aming kanang kamay dahil baka mahulog ang iniimagine naming relo. Noon nadevelop ang ilang kakatwang manerismong dala ko pa hanggang ngayon. Ang maganda nito, hindi ako ngayon nahihirapan sa ginagawang rebisyon ng mga sulat dahil sa munting ehersisyo ng pagpapabalik-balik-lakad na ginagawa ko noon sa Beijing. (5) Marami akong isinusulat at binabasa habang nagkaklase – sa ilalim ng desk. Pag-uwi, sumasakay ako sa swing sa laguwerta namin. Ganoon ko pinananatili ang nararamdamang indayog para sa aking malayang taludturan. Noon ako nag-umpisang mangarap na maging makata at pintor balang araw. (6) Nang matapos sa junior high school, na halos kasunod ng EDSA Revolution sa Filipinas, bumalik na kaming mag-anak sa eskuwela. Hanggang kunin ako ng ICM sisters ng St. Theresa’s College. Nailathala naman ako sa student page ng World News, pahayagang broadsheet ng komunidad Tsino sa Filipinas. Pagkatapos, nagtrabaho ako bilang isa sa mga translator ng balita sa diyaryong iyon, nag-atubili, at huminto. Pero nalatha pa rin ako; nagkaroon ng promoter ng mga trabaho o sa literary page, sa katauhan ng isang makata-photographer-businessman, si G. James Na. (7) Nag-umpisa akong dumalo sa workshop ng tula sa Filipino, na ginaganap sa Adarna House, tagapaglathala ng mga aklat pambata. Pagkatapos sa Rio Alma Poetry Clinic, natanggap akong kasapi ng LIRA, isang grupo ng mga kabataang makata sa Filipino. Ako ang pinakabata noon. Iniindex ko pa ang mga salita noon sa diksyunaryong Tagalog para makapagtugma, dahil wala naman akong makitang rhyming dictionary sa Filipino. Kadalasan ay nagsusukat ako ng pantig para mabawasan ang mga mali ko sa wika. (8) Nang panahong iyon, nagsusulat pa ako sa Tsino habang nag-aaral ng Filipino. Samantala, binabasa ko sa pagitan ng mga linya ang mga liham na natatanggap ko mula Tsina. (9) Katagalan, matagal na matagal, pagkatapos ng crackdown sa Tian An Men, ipinadala sa akin ng kaklase ko sa high school ang librong Tuanang Singsing na Luntian na inilathala ng Palimbagan ng Beijing. Kalipunan iyon ng mga sanaysay na isinulat ng mga freshman ng Unibersidad ng Peking noong magtraining military sila sa Kampo Shijachuang bago pasimulan ang kanilang regular na klase sa kampus. (10) Isinulat sa akin ng kaibigan kong may artikulo sa libro: “Ipinakikita ng librong ito, sa napakatanging punto de bista, ang buhay namin noong mismong taong iyon, at mararanansan mo dito ang pagsasama ng paglikhang pampanitikan at propagandang pampolitika, lalo na sa military.” (11) Naniniwala ako na nalampasan nang maluwalhati ng lahat ng kaibigan ko sa Tsina ang 1989. Freshman ako sa kolehiyo sa UP Baguio nang maganap ang crackdown. Huminto ako ng pagpapalathala sa World News matapos makitunggali sa isang huling sanaysay at ilang tula sa Tsino. Pagkatapos, ipinasiya kong hindi na ako taga-Tsina, hindi ko na wika ang Tsino. (12) Doon natapos ang isang panahon. (1) Isinulat ko ang una kong tula “Isn’t It?” noong high school. Labing-isang taong gulang ako noon. Nakakatuwa iyon, ang saya ko. Nakasulat sa malayang taludturan, nakilala ko na mayroon pala akong indayog. Nang mabasa ng mga kaibigan ko, sinabi nila na walang katuturang tula daw iyon at tinawag ko nga na tula ng kawalang katuturan. (2) Katawa-tawa ang panahong kinalakhan ng henerasyon ko sa Tsina. Hindi naapektuhan ng Rebolusyong Pangkultura ang tadhana namin. Wala noong consumerismo na tutukso sa aming mga hangarin, ni hahamon na paninindigan namin sa Sosyalismo. Dapat kaming maging Spartan. Dapat makakuha kami ng mataas na grade para makapasok sa magandang eskuwela. (3) Alam naming lahat na ang mga senior student sa eskuwela namin na nakatira sa dorm ay lumalabas sa kalsada kapag oras nang patayin ang mga ilaw para makapagaral sa ilalim ng poste. Marami kang hahangaan doon. May isa akong kaklase na makapagrerecite nang paabante at paatras sa buong nobelang Water Margin. Marunong magkaligrapiya at magpiano ang isa kong pinakamatalik na kaibigan sa klase, kaya kung maglalakad siya at maramdamang hindi tama ang lakad niya, babalik siya sa pinanggalingan sa paniniwalang “practice makes perfect”. (4) Pagkatapos ng klase, magkasama kaming maglalakad papuntang bus stop; at ang tagal-tagal naming makarating sa bus. Paulit-ulit naming iwinawasiwas pataas ang aming kanang kamay dahil baka mahulog ang iniimagine naming relo. Noon nadevelop ang ilang kakatwang manerismong dala ko pa hanggang ngayon. Ang maganda nito, hindi ako ngayon nahihirapan sa ginagawang rebisyon ng mga sulat dahil sa munting ehersisyo ng pagpapabalik-balik-lakad na ginagawa ko noon sa Beijing. (5) Marami akong isinusulat at binabasa habang nagkaklase – sa ilalim ng desk. Pag-uwi, sumasakay ako sa swing sa laguwerta namin. Ganoon ko pinananatili ang nararamdamang indayog para sa aking malayang taludturan. Noon ako nag-umpisang mangarap na maging makata at pintor balang araw. (6) Nang matapos sa junior high school, na halos kasunod ng EDSA Revolution sa Filipinas, bumalik na kaming mag-anak sa eskuwela. Hanggang kunin ako ng ICM sisters ng St. Theresa’s College. Nailathala naman ako sa student page ng World News, pahayagang broadsheet ng komunidad Tsino sa Filipinas. Pagkatapos, nagtrabaho ako bilang isa sa mga translator ng balita sa diyaryong iyon, nag-atubili, at huminto. Pero nalatha pa rin ako; nagkaroon ng promoter ng mga trabaho o sa literary page, sa katauhan ng isang makata-photographer-businessman, si G. James Na. (7) Nag-umpisa akong dumalo sa workshop ng tula sa Filipino, na ginaganap sa Adarna House, tagapaglathala ng mga aklat pambata. Pagkatapos sa Rio Alma Poetry Clinic, natanggap akong kasapi ng LIRA, isang grupo ng mga kabataang makata sa Filipino. Ako ang pinakabata noon. Iniindex ko pa ang mga salita noon sa diksyunaryong Tagalog para makapagtugma, dahil wala naman akong makitang rhyming dictionary sa Filipino. Kadalasan ay nagsusukat ako ng pantig para mabawasan ang mga mali ko sa wika. (8) Nang panahong iyon, nagsusulat pa ako sa Tsino habang nag-aaral ng Filipino. Samantala, binabasa ko sa pagitan ng mga linya ang mga liham na natatanggap ko mula Tsina. (9) Katagalan, matagal na matagal, pagkatapos ng crackdown sa Tian An Men, ipinadala sa akin ng kaklase ko sa high school ang librong Tuanang Singsing na Luntian na inilathala ng Palimbagan ng Beijing. Kalipunan iyon ng mga sanaysay na isinulat ng mga freshman ng Unibersidad ng Peking noong magtraining military sila sa Kampo Shijachuang bago pasimulan ang kanilang regular na klase sa kampus. (10) Isinulat sa akin ng kaibigan kong may artikulo sa libro: “Ipinakikita ng librong ito, sa napakatanging punto de bista, ang buhay namin noong mismong taong iyon, at mararanansan mo dito ang pagsasama ng paglikhang pampanitikan at propagandang pampolitika, lalo na sa military.” (11) Naniniwala ako na nalampasan nang maluwalhati ng lahat ng kaibigan ko sa Tsina ang 1989. Freshman ako sa kolehiyo sa UP Baguio nang maganap ang crackdown. Huminto ako ng pagpapalathala sa World News matapos makitunggali sa isang huling sanaysay at ilang tula sa Tsino. Pagkatapos, ipinasiya kong hindi na ako taga-Tsina, hindi ko na wika ang Tsino. (12) Doon natapos ang isang panahon.
Kwento Ng Paglisan Sa China Ni Maningning Miclat - Yopsy.com
www.yopsy.com
Find anything and everything about Kwento Ng Paglisan Sa China Ni Maningning Miclat
22 months ago
More kwento ng paglisan sa china ni maningning miclat posts »

Kwento ng paglisan sa china ni maningning miclat news

No news about kwento ng paglisan sa china ni maningning miclat

Kwento ng paglisan sa china ni maningning miclat videos

No videos about kwento ng paglisan sa china ni maningning miclat